Madaling araw na pero ito ako nag babawas na mga pictures sa phone. Hanggang sa may nakita akong picture na napatigil ako…
Isang manipis, puti na papel.
₱7,167.50
Resibo sa restaurant nung nilibre ko family ko last month.
Napasabi ako ng ‘Pakshet!” (hahaha). Tanda ko pa kasi ‘yung linggo na ‘yun, sagad na sagad ako sa pera. Konti na lang pera ko that time para makatawid sa susunod na sweldo. Pero anong ginawa ko nung gabi na ‘yun?
Hindi man lang ako nag-dalawang isip. Iniswipe ko agad ‘yung card para sa ganon halaga. Hindi man lang ako nag-hesitate kumain sa restau na yon (hahaha). Tbh, di ko rin alam paano ko na survive yung mga ibang araw after nun (lol).
Tapos bigla akong napaisip: Bakit kapag sa kanila, kaya kong maglabas ng pito-libo nang hindi man lang kumukurap ‘yung mata ko? Pero kapag bibili ako ng para sa sarili ko kahit mura lang... kinakain ako lagi ng guilt?
Kapag sa sarili ko, nagtitipid ako. Pero kapag para sa ibang tao, walang problema ang pera.
Ewan… siguro kasi lumaki ako sa bahay na lahat ng tao palaging stressed sa pera. Bata pa lang ako, kailangan ko nang maging walking calculator. Iniisip ko na agad ‘yung presyo ng lahat para lang maging “understanding” na anak.
Ako palagi ‘yung nag-a-adjust para kila mama/papa, para sa mga kapatid ko, para sa mga ibang tao:
“Okay lang, Ma/Pa, ‘wag na ako.”
“Di ko naman kailangan.”
“Meron pa naman ako.” (kahit ang totoo, wala na talaga.)
“Si ano na lang ma/pa.”
Kabisado ko lahat ng linyahan sa bahay tuwing mag-aaway sa pera.
‘Yung “Wala akong pera” nila pero may nabibili sila para sa iba. ‘Yung “Magtipid kayo, akala niyo naman may pambayad kayo ng kuryente!” sabay papatayan ng electric fan o kaya babawasan yung ilaw na naka bukas. Yung mga “Tsaka ka na lang” at “Sa susunod na lang” na hindi na talaga nangyari.
Nakita ko lahat. Nakita kong ibenta ‘yung mga gamit namin para lang may pambayad ng renta. Naranasan kong maupo sa dilim habang nagsisindi ng kandila kasi naputulan kami ng kuryente. Narinig ko paulit ulit na sinasabi at dinidiin sa amin na ₱500 na lang ang pera namin para sa buong linggo. Nakita ko paano sila mangutang sa iba para lang may pagkain kami.
Sinong di magiging financially aware kid when you had to learn early what scarcity felt like?
Nahubog yung paniniwala ko noon na ang pera hindi lang naman resource, but a reason why most things fell apart. Dahil sa pera, pwede maging magulo ang mga sitwasyon. Kaya bata pa lang ako, sinabi ko na lang sa sarili ko: Hindi ako magiging pala - hingi para hindi na ako makadagdag sa problema.
Kaya kahit bilhan nila ako ng bagay na gusto ko nung bata ako, hindi ko magawa maging totoo na masaya.
Natataranta ako kapag nakikita ko sila mama at papa naglalabas ng pera mula sa bulsa nila para sa’kin. Lalo na pag nag wi-withdraw sila ng pera sa atm machine, di ako makatingin ng diretso dahil ako agad yung na i-stressed kung paano nila pagkakasyahin yun pera. Kapag binilhan nila ako ng gusto ko, naiiyak ako sa sobrang guilt kasi I knew exactly how much that money was needed somewhere else. I always understood the cost behind them.
Ganon ‘yung naging buhay ko:
Ako ‘yung batang walang bagong bag o makintab na sapatos.
Ako ‘yung batang naglalakad sa ilalim ng initan para lang makatipid sa pamasahe.
Ako ‘yung batang kupas ‘yung uniform.
Kasi natutunan kong i- stretch what little I had and to make things last. Maghintay sa kanila na kusang magbigay kesa manghingi ako - mga ganon. Ang tumatak talaga sa utak ko: Kapag kayang tiisin, ‘wag na gagastos.
Ngayon, okay na ako. May trabaho na ako. Kahit paano kumikita na talaga… It’s like I can fix numbers pero I’m not able to fix the feelings eh.
Sa loob-loob ko? Para pa rin akong ‘yung batang nagmamakaawa sa sarili na ‘wag maghangad ng kahit ano.
Kapag may nakikita akong magandang damit sa mall, sinasabi ko agad sa sarili ko: “Wag na. Sa Shopee na lang, may katulad dyan na mas mura.”
Naririnig ko pa rin ‘yung mga lumang boses sa bahay:
“Dapat ‘yung pinakamura lang.”
“Wala tayong budget.”
“Tiis muna.”
“Mukha ba akong nagtatae ng pera?”
‘Pag lumaki ka sa ganito, (for me ha) feeling ko parang lalaki ka lang na either : fiercely hyper-frugal sa sarili mo or recklessly generous with others (just like what I think ano ako ngayon)
Akala ko pagiging practical lang ‘yung pag-hesitate sa sarili kong pera. Pero hindi pala at some point. Na realize ko lang rin, minsan pwede rin pala maging alibi ‘yon. Kasi hanggang ngayon may nakatatak pa rin sa akin na kailangan kong maging financially aware kasi kapag hindi, maghihirap ako ulit. Ito yung parang pagdating sa sarili ko, laging financially risky. Pakiramdam ko I’m betraying that old kid version of myself who keeps surviving that household by wanting less. Ganon.
Nakakatawa man isipin, pero kitang-kita talaga 'yung ebidensya sa mga simpleng bagay eh.. 'yung paulit-ulit na pagsuot ng butas-butas na medyas, 'yung bacon briefs, 'yung lumang undies o pambahay na shorts na butas butas na, pudpod na tsinelas at 'yung sobrang lumang wallet na ayaw mo pa ring palitan. Batak yung ‘Pwede pa naman’ mindset sa sarili. Kapag para sa iba, kahit magkano, walang problema, nagiging unlimited budget natin.
Pero nakakapagod din talaga yung invisible financial labor…
Pagod na akong tingnan ‘yung presyo ng pagkain para sa sarili ko tapos magse-self-guilt ako na parang masama akong tao kasi bumili ako ng masarap na pagkain. Pagod na akong magtiis para lang sa mga “Paano kapag nagka-emergency sa ganito, si ganito, si ganyan, bukas tapos wala na akong pera?”
Puro na lang para sa iba, kailan naman yung para sa akin?
Sa mga naka relate sa akin, ngayong malaki na tayo, siguro kailangan natin sabihin na okay lang naman gumastos. Sabihin natin:
Pwede ko namang i-enjoy ‘yung perang pinaghirapan ko. At okay lang na i-prioritize ko naman ang sarili ko kahit papaano. Kahit kailan hindi pagiging irresponsable gastusan sarili ko kung alam ko magiging masaya ako at pa minsan - minsan lang naman. Most importantly…
wag ipagkait sa sarili ‘ang buhay’ na ako lang rin naman ang bumubuhay na ngayon.
You worked hard to earn a life, so give yourself one.
Read my other recent works:






Money has always been such a sensitive topic for me, even nung bata palang ako. Sobrang gets ko yung line na, bata ka palang, you've been exposed to scarcity, tapos yung guilt that comes with having your parents buy something for you. Sobrang gets, ate. Kaya kapag kayang kunin sa savings o allowance, hindi ko na lang hinihingi sa parents ko. This article made me so uncomfortable (in a good way), kasi I never really like... dealing with my feelings when it comes to money, kasi I swore to myself na I wouldn't be the type of person who stresses about money. Pero as much as I want to be a person with a growth mindset (what I spend will come back triple to me), parang para saakin, napaka-reckless kong tao kung ganun yung iaadapt kong mindset. Anyway, sana makarating tayo sa point na pakakawalan na natin yung scarcity mindset natin at papalitan ng security mindset. Loved this article, ate! You put into words the article that I refuse to write :') Hugs hugs hugs!
Guilt is the price we pay for being privileged.